Batay sa inilabas na breakdown ng pondo, mahigit 209 milyong piso ang ilalaan sa 31k benepisyaryo para sa mga funded ordinance ng lungsod Kabilang dito ang mga tauhan ng Manila Police Department, Manila Fire Department, mga mag-aaral ng Grade 12, Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, gayundin ang mga guro at tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.
Ilalabas ito mula ngayong araw Oktubre 12 hanggang 23.
Samantala, halos 461 milyong piso naman ang nakalaan para sa 293,783 senior citizens, persons with disabilities at solo parents.
Pinakamalaking bahagi nito ang mahigit 340 milyong piso para sa 213,572 senior citizens. Nakatakdang ipamahagi ang naturang monetary allowances mula Oktubre 28 hanggang 30.