Hinihikayat ng Bangsamoro Civic Group na AMANA BARMM si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang kanilang sulat na ipinadala.
Ito’y kaugnay sa hangad ng grupo na makipagpulong si Pangulong Marcos Jr. kay Al Haj Murad Ebrahim ang chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para pag-usapan ang kapayapaan sa giyera na na higit 50 taon na nagaganap.
Ayon kay Sultan Alim Saad Amate ang convenor ng AMANA BARMM, kung magaganap ang pag-uusap at pirmahan maituturing itong isang malaking hakbang tungo sa pangmatagalan kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Aniya, tanging si Pangulong Marcos Jr. lamang ang may kakayahan na tapusin ang kaguluhan na unang sinubukan itigil ng kaniyang ama na si Pangulong Marcos Sr. sa ilalim mg Tripoli Agreement noong 1976.
Paliwanag pa ni Sultan Amate, nasa 14,000 former MILF fighters ang naghihintay na isuko ang kanilang armas kung tuluyan ng maipapatupad ang peace agreement.
Paliwanag pa ni Sultan Amate, mula noon Sept. 14 BARMM election, marami ng nakausap si Pangulong Marcos Jr. sa ibang lider ng Bangsamoro kung saam bukod tangi na lamang si MILF Chairman Ebrahim ang hindi pa nakakaharap nito. Dahil dito, umaasa ang kanilang grupo na matutuloy ang usapan at pirmahan para sa kapayapaan bago maupo ang 80 miyembro ng parliament sa BARMM sa October 30, 2026.