Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na patuloy ang pagpapatupad nila ng mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng border protocols kaugnay sa isyu ng pneumonic plague sa Russia.
Sa panayam ng programang Boses kay Bureau of Immigration Spokesperson, Atty. Anisha Hadji Hassan sinabi niyang patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Health at Bureau of Quarantine hinggil sa mga pinakabagong health advisories patungkol sa pneumonic plague.
Sa ngayon tiniyak ng DOH na wala pa namang dapat ipangamba dahil wala pang kumpirmadong malawakang transmission ng iniimbestigahan pa ring sakit.
Giit ni Hassan na hindi sila nagpapatumpik-tumpik at mahigpit pa rin ang kanilang screening at protocols lalo sa mga pumapasok sa bansa.
Oras na maglabas na ng health advisory ang DOH at Bureau of Quarantine ay agad namang silang tatalima dito at agad ipatutupad ang mga nararapat na aksiyon.