Umapela ang Department of Energy (DOE) sa publiko na maging mas masinop sa paggamit ng kuryente at enerhiya kasunod ng inaasahang epekto ng El Niño sa energy sector.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, asahan na ang kabawasan sa suplay ng kuryente bunsod na rin ng inaasahang pagbaba sa suplay mula sa hydropower na aabit sa 40% ang supply reduction at 20% supply reduction naman sa solar power.
Hindi naman tumitigil ang DOE sa pagpapabilis ng deployment ng energy barges partikular sa Visayas at Mindanao ngunit posibleng sa unang quarter pa ito ng 2027 mai-deliver.
Ani Garin,sasakto naman ito sa peak ng epekto ng El Niño kaya inaasahang makatutulong pa rin ito sa pagpapabuti ng energy supply sa Visayas at Mindanao.
Batid ng DOE, na magiging mataas talaga ang demand sa kuryente dahil sa init na dala ng El Niño ngunit kung kakayanin pa rin ang energy conservation at pagtitipid sa paggamit ng kuryente ay sana ay magawa pa rin ito ng mga consumer.