Patuloy ang mga isinasagawang flood mitigation measure ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Hagonoy, Bulacan upang maiwasan na ang pagbaha dito.
Sa isinagawang inspeksiyon ni DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi nitong kahit papaano ay nakakita na sila ng improvement sa sitwasyon na senyales na dapat hindi maputol ang aksiyon dito.
Hindi rin tumitigil ang operasyon ng mobile pumps habang hindi pa nagagawa ang Iba Pumping Station na isa sa mga sasagot sa nararanasang pagbaha sa Hagonoy, Bulacan.
Oras na matapos ay igagaya rin ang nasabing pumping stations sa iba pang lugar sa Hagonoy upang matapos na rin ang mga natenggang pumping station constructions.
Isinusulong na rin ng DPWH ang pagpapatupad ng nature-based solution tulad ng earth dike upang hindi na bumuo pa ng bagong dike na aabutin ng matagal na panahon.