Umabot sa ₱1.06 trilyong piso ang Gross Domestic Product (GDP) ng Maynila noong 2025, dahilan upang manatili itong ikatlo sa mga lungsod na may pinakamalaking ekonomiya sa bansa, kasunod ng Quezon City at Makati City.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng 14.6% ng kabuuang ekonomiya ng Metro Manila.
Pinakamalaking bahagi ng ekonomiya ng Maynila ang sektor ng serbisyo na may 77.4%, habang 22.6% naman ang sektor ng industriya.
Nanguna sa pinakamabilis na paglago ang transportasyon at storage na may 10%, kasunod ang serbisyong pangkalusugan na may 9.4% at edukasyon na may 6.4%.
Naitala rin sa ₱565,047 ang per capita GDP ng lungsod noong 2025.
Sa ilalim ng administrasyon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng pamahalaang lungsod ang kalusugan, edukasyon, pabahay, at trabaho.