“Malapit-lapit na.”
Ito ang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa nakatakdang paghahain ng kasong plunder sa Sandiganbayan laban sa mag-inang sina Senador Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste.
Sa pulong-balitaan, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pang dumadaan sa preliminary investigation ang kaso. Ia-anunsyo na lamang aniya kung kailan ito pormal na isasampa.
Nang matanong naman kung “political persecution” ang trato ng Ombudsman sa mag-ina, sinabi ni Remulla na malayo ito sa katotohanan.
Aniya, may “conflict of interest” sa ginawa ng mag-ina, at hindi aniya nag-imbento ang Ombudsman, partikular sa isyu ng pagbebenta ng kumpanya ni Leviste, flipping ng prangkisa at iba pa.
Nakikita rin umano ni Remulla na ayaw umuwi ng mag-ina sa bansa para harapin ang mga alegasyon.
Samantala, tuloy naman ang kanyang biyahe sa Europa sa Nobyembre para makipag-usap sa mga awtoridad doon kaugnay ng mga personalidad na nagtatago o humihingi ng asylum.
Matatandaang nag-ugat ang P10-bilyong kasong plunder sa umano’y “ghost electricity” at sa mga reklamo laban sa solar company ni Leviste. | ulat ni Diane Lear