Huli ng mga tauhan ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang isang hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group.
Ito’y matapos ang nangyaring engkwentro sa Sitio Bagao, Brgy. San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Ayon sa 2nd ID, nagsasagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng 1st Infantry Battalion at 5th Scout Ranger Battalion sa lugar matapos makatanggap ng tip mula sa isang residente.
Bukod sa pagkakahuli sa NPA, nakumpiska rin ang isang mataas na kalibre ng armas at iba pang kagamitang pandigma na iniwan ng mga kasamahan nitong tumakas.
Patuloy naman ang ginagawang hot pursuit at clearing operations ng militar sa mga karatig lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.