Hiniling ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na maayos na i-audit ang fuel pass-through charges na nakadagdag sa singil sa kuryente, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng presyo ng kuryente.
Pinunto ng Senate president ang napipintong pagtaas ng singil ng Meralco ngayong Oktubre.
Sinabi ni Gatchalian na dagdag-pasanin ito sa mga pamilyang nahihirapan nang tugunan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ng bigas.
Aniya, dapat tiyakin ng mga ahensya na tama ang mga fuel-related charges na ipinapasa ng power generators at distributors sa mga consumer sa pamamagitan ng kanilang electricity bills.
Bukod sa pag-audit sa fuel pass-through charges, hiniling din niya sa DOE at ERC na tiyakin ang maayos na paghahatid ng kuryente sa pagitan ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Gatchalian, hindi rin katanggap-tanggap na patuloy na nakararanas ng yellow at red alerts ang Visayas grid habang mataas din ang presyo ng kuryente sa Visayas at Mindanao.
Binigyang-diin niyang kailangan na ng konkretong solusyon sa problema sa transmission at mataas na singil sa kuryente.