Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan nilang magkausap ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kasunod ng naging pahayag nitong madali umanong magwawagi ang China kung gagamitan nila ng puwersa ang Pilipinas.
Sa ambush interview sa founding anniversary ng Philippine Coast Guard, inihayag ng Pangulo na tila isang banta at hindi isang diplomatic statement ang gayong pahayag ng ambassador.
Nais aniya nilang matukoy kung ano ang ibig sabihin ng gayong statement ng Chinese envoy para maging malinaw ang lahat.
Para sa Pangulo, dapat nilang mapag-usapan ito ng nasabing opisyal ng China.