Napagod na umano ang publiko sa napakaraming dokumentong pampinansyal at teknikal na objection ng depensa, dahilan kung bakit inatras ng House prosecution panel ang tatlong articles of impeachment.
Ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, lumabas sa mga isinagawa nilang focus group discussion na nagsisimula nang mabagot at malito ang mga nakatutok na mamamayan dahil sa haba at pagiging sobrang teknikal ng ilang buwang proseso ng paglilitis.
Kaya aniya nagpasya silang pag-isahin at ituon na lamang sa iisang usapin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ito ang kaso “unexplained wealth”
Aniya, ang mahahabang cross-examination at sunod-sunod na teknikal na objection ng depensa ay nagdulot lamang ng kawalan ng interes ng publiko para masundan ang tunay na diwa ng mga kaso laban sa pangalawang pangulo.