Mas maraming Pilipino ang naniniwala at umaasang mahahatulan ng pagkakasala (conviction) si Vice President Sara Duterte sa kaniyang impeachment trial, ayon sa pinakahuling nationwide survey ng PUBLiCUS Asia.
Ang pananaw na ito ng publiko ay kasunod ng isinagawang presentasyon ng House Prosecution Panel hinggil sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth ng Bise Presidente.
Batay sa PAHAYAG Third Quarter 2026 survey na isinagawa mula Oktubre 1 hanggang 4, 202644% ng mga rehistradong botante ang nag-aabang na mahahatulan ng pagkakasala (conviction) si Duterte.
31% naman ang naniniwalang siya ay mapawawalang-sala (acquittal).
25% ang nananatiling nag-aalinlangan o wala pang tiyak na pasya sa magiging kahihinatnan ng kaso.
Ipinakita rin sa pagsusuri na nananatiling napakataas ng interes ng mamamayan sa proseso, kung saan 65% ng mga respondent ang nagsabing masusi nilang sinusubaybayan ang paglilitis.
Isinagawa ang poll sa 1,581 rehistradong botanteng Pilipino upang sukatin ang reaksyon ng publiko sa halos apat na buwang paghaharap ng prosecution ng mga financial documents, government ay bank records.