Umabot na sa 65 establisimyentong nagbebenta ng vape products ang ininspeksyon ng Bureau of Internal Revenue nitong nakalipas na linggo.
Bahagi ito ng kampanya laban sa ilegal na vape sa limang lugar: Cagayan Valley, Central Luzon, LaQueMar, Negros Island Region, at Cagayan de Oro City.
Nakapag-isyu ang BIR ng 18 apprehension slips at nakapagtala ng 19 na paglabag.
Magpapatuloy ang inspeksiyon at monitoring, lalo na sa papalapit na holiday season, upang masugpo ang bentahan ng mga produktong lumalabag sa regulasyon.
Hinimok din ng BIR ang mga negosyante na sumunod sa batas sa buwis upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan at matiyak ang patas na kompetisyon.