Nakipagpulong si Finance Sec. Frederick Go kay US Assistant Secretary of the Treasury Jeremy Wiggins upang talakayin ang ilang planong reporma sa energy sector ng bansa.
Sa ginanap na 2026 IMF-World Bank Annual Meetings sa Bangkok, Thailand, tinalakay ng dalawang opisyal ang suporta para sa mga reporma sa sektor ng enerhiya at mga infrastructure project na naglalayong isulong ang economic growth.
Matatandaang noong July 2026, inaprubahan ng Millennium Challenge Corporation ang USD 60-milyong grant para sa energy reform ng bansa, na ipinagpasalamat ng kalihim.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapababa sa singil ng kuryente para sa mga mamamayang Pilipino.
Kabilang din sa mga natalakay ang posibleng pondo upang lalo pang mabawasan ang power system losses at ang panukalang guarantee mechanism kasama ang Asian Development Bank (ADB).
Ang mekanismong ito ay magbibigay ng karagdagang kakayahan sa Pilipinas na pondohan ang mga priority project, tulad ng North–South Commuter Railway sa ilalim ng Luzon Economic Corridor.