Screengrab courtesy of Kapihan sa Manila Hotel
Buo ang suporta ni Labor Sec. Francis Tolentino sa kanyang mga dating kasamahan sa Senado hinggil sa naging banta ni Chinese Ambassador Jing Quan sa Pilipinas na kung gagamitin lamang nito ang kanilang puwersa ay madali silang mananalo.
Ayon kay Tolentino, na siyang nanguna sa pagpasa ng Philippine maritime legislation, suportado rin niya ang pagpapatawag kay Quan sa Malacañang.
Bagamat hindi sinabi ng opisyal kung ano ang dapat gawin sa ambassador, binigyang-diin niya ang pagkakamali ng Chinese official.
Aniya, wala sa kaugalian ng isang diplomat ang sinabi ni Quan at malinaw na mali ito.
Paliwanag ng kalihim, dapat nakatutulong sa sariling bansa at sa relasyon nito sa bansang pinaglilingkuran ang mga pahayag ng mga diplomat.