Tumugon si Senador Erwin Tulfo sa hamon ni Chinese Ambassador Jing Quan na ideklara siyang ‘persona non grata’ sa bansa kasunod ng naging pahayag niyang kayang talunin ng China ang Pilipinas kapag gumamit sila ng pwersa.
Sa panayam sa senado, sinabi ni Tulfo na napag-usapan nila ng Majority Senators ang pagsusulong ng resolusyon para gawing pormal ang panawagan laban kay Jing.
Sa inihaing Senate Resolution 739 ni Senator Erwin, hinihimok ang Department Of Foreign Affairs (DFA) na itekomendamg persona non grata si Jing.
Sa resolusyon, pinapahayag ang matinding pag-aalala ng senado sa naging pahayag ng Chinese envoy noong October 15 na nagsasabing kaya ng China na manalo kontra sa Pilipinas kung gagamit sila ng pwersa.
Aniya, nagdudulot ng pag-aalala ang pahayag dahil sa posibleng epekto nito sa soberanya at pambansang seguridad ng Pilipinas.
Tinutulan din ni Tulfo ang paglalarawan sa mga kritiko ng China bilang ‘anti-china’ dahil karapatan aniya ng mga mambabatas na ipagtanggol ang interes ng ating bansa.