Balik-bansa na ang nasa 34 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh, Saudi Arabia na naipit sa nagpapatuloy na gulo sa Gulf Region.
Sakay sila ng Qatar Airways Flight QR934 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Doha kahapon ng umaga.
Personal silang sinalubong ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kasama ang mga opisyal ng DMW at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kasabay ng pagdating ng mga OFW, agad silang nakatanggap ng tulong pinansyal, transportasyon, pansamantalang matutuluyan, serbisyong medikal at psychosocial support.
Ayon kay Cacdac, prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakan ng mga OFW, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Labis naman ang pasasalamat ng mga balik-bayang OFW sa kanilang natanggap na tulong mula sa pamahalaan.

