Magpapatupad ng 5% diskwento ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga kwalipikadong trucker na naghahatid ng mga produktong agrikultural at iba pang pangunahing bilihin.
Ayon sa TRB, ito ay bilang suporta nila sa sektor ng agrikultura upang maihatid ang kanilang mga produkto gayundin sa iba pang mga pangunahing bilihin.
Isang buwan epektibo ang nasabing diskwento o mula November 1 hanggang November 30 ng taong kasalukuyan para sa mga daraan sa mga tollway sa bansa.
Layunin nito, ayon sa TRB, na maibsan ang pasanin ng mga trucker sa kanilang transportation cost at para mapanatili na ring abot-kaya ang presyo ng mga pangunhing bilihin sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
October 16 pa sinimulan ang enrollment o pagpapalista ng Department of Agriculture (DA) sa mga trucker na nagnanais mag-avail ng naturang diskwento.