Nakipagpulong si Finance Sec. Frederick Go sa mga kinatawan sa pangangalakal mula Italy para mapalakas pa ang kanilang partisipasyon sa Luzon Economic Corridor (LEC).
Partikular na nakipag-usap si Go kay Italian Ambassador to the Philippines Davide Giglio.
Sumentro ang usapan sa kooperasyon ng dalawang bansa sa transportasyon, enerhiya, water, technical assistance, technology, at direct investments.
Binigyang-diin ng kalihim ang pagpupursige ng gobyerno na makahikayat ng pamumuhunan na lilikha ng de-kalidad na trabaho para sa mga Pilipino, makapagpasok ng bagong teknolohiya, at makapagpahusay ng imprastraktura na magkokonekta sa mga negosyo at komunidad.
Ang Italy ay isa sa mga partner ng Pilipinas sa Luzon Economic Corridor.
Sinimulan ang LEC noong 2024. Layunin nitong pag-ugnayin ang Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas para mapahusay ang pamumuhunan.