Nakikipagtulungan na sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) para palakasin ang paghahanda at pagtugon sa pagbaha sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng binubuong isang Flood Forecasting and Early Warning System (FFEWS) para sa Greater Metro Manila at Laguna Lake Complex.
Nagkakahalaga ang proyekto ng humigit-kumulang USD12.7 milyon kung saan gagamit ng rainfall and water-level monitoring equipment, X-band Radar at flood warning posts para sa mabilis at napapanahong babala sa mga lokal na pamahalaan at komunidad.
Nitong Lunes, October 19, nagsagawa na ang PAGASA at KOICA ang initial demonstration ng sistema.
Ayon sa PAGASA, mahalaga ang sistemang ito lalo sa Pilipinas na madalas makaranas ng mga bagyo at iba pang hydro-meteorological hazards, partikular ang pagbaha.