Inaasahang tataas na muli ang produksyon ng gatas sa bansa sa matagumpay na pag-import ng National Dairy Authority (NDA) ng mga dairy cattle para dumami ang imbentaryo nito.
Ayon sa NDA, makapag-aambag ang mga ito ng 5.9 milyong litro ng gatas sa 2027.
Mula rin sa 1,419 na baka, inaasahang dadami ang mga ito sa 2,527 ulo, kabilang ang mga offspring nito.
Sa pamamagitan ng mga stock farm at animal dispersal program ng NDA, target ng NDA na ipamahagi ang mga magiging offspring sa mga kwalipikadong dairy farmers at kooperatiba upang makatulong sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan at produksyon.
Kabilang sa mga makikinabang ang 176 na indibidwal na coconut farmers sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), sa pakikipagtulungan ng Philippine Coconut Authority (PCA).
📸 NDA

