Ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga Schools Division Office (SDO) gayundin sa mismong mga Paaralan ang 4H bilang paghahanda sa Super Bagyong #RosalPH.
Pero mula sa 4H, sinabi ng DepEd na dapat pakatutukan dito ang 3H o ang “HINAY” na ang ibig sabihin ay ipagpatuloy ang pag-aaral na nakabase sa asynchronous modality sa panahon ng kalamidad.
“HINGA” na ang ibig sabihin ay tumutok lamang sa mga magagaan na asignatura na may paggabay ng pamilya at hindi mahigpit ang pagsunod sa curriculum.
“HINTO” na ang ibig sabihin ay itigil ang lahat ng pangangailangan, unahin ang kaligtasan, kapakanan, at panatilihin ang ugnayan.
Matapos ang sakuna, saka paiiralin ang “HAYO” o ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa normal na sitwasyon.
Paalala ng kagawaran sa mga opisyal ng paaralan, gawin ang ibayong paghahanda at pag-iingat gayundin ay unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.