Mahalaga na mapanatili ang mga naging tagumpay sa seguridad at katatagan gayundin ang pagpapalawak na presensya ng militar sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nang pangunahan nito ang unang anibersaryo ng Strategic Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Clark, Pampanga kahapon.
Ayon sa kalihim, itinataguyod ng AFP StratCom ang kapani-paniwala at pagpapanatili ng posturang pangdepensa ng Pilipinas sa ilalim ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Kabilang sa mga pangunahing gawain ng AFP StratCom na itinatag noong isang taon ay pag-isahin ang pangangalap ng mga intelligence information, pagpapaigting ng operasyon, civil-military functions at pangangasiwa ng joint exercises.
Ito ang lalong nagpapaigting sa interoperability at nagpapabilis ng mga pagpapasya gayundin ang nagpapalakas sa AFP na harapin ang iba’t ibang hamon.

