CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 82?
Binigyang-diin ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna ang pangangailangan para sa isang epektibong sistema ng pamamahala ng basura upang matugunan ang lumalalang problema ng plastic pollution sa bansa.Ipinahayag ito ni Cuna sa kanyang mensahe sa ginanap na Norway-Philippines Circular Economy Conference 2026 sa Lungsod ng Makati nitong Huwebes, Oktubre 22, 2026.
Ayon kay Cuna, ang circularity o ang pagsusulong ng circular economy ay dapat maging isang estratehiyang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalit ng basura patungo sa pagiging mga kapaki-pakinabang na yaman o resources. Aniya, ang mga epektibong polisiya ay kailangang maisalin sa mga praktikal na sistema.
Nanawagan din ang kalihim para sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng iba’t-ibang stakeholders at pagkilala at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng informal waste sector o ang mga waste collectors sa lipunan.
Samantala, nagbahagi rin ang ilang kumpanya mula sa Norway ng mga praktikal na solusyon na posibleng iangkop at gamitin dito sa Pilipinas upang mapabuti ang sistema ng basura at pag-recycle.