Bukas ang Discord sa pagtatalaga ng lokal na law firm bilang legal representative nito sa Pilipinas.
Tinalakay ito sa pulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Discord officials sa Quezon City.
Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso, layunin nitong palakasin ang pananagutan ng online platforms at proteksyon sa mga bata laban sa online abuse.
Handa aniya ang Discord na kumuha ng law firm sa halip na magtayo ng pisikal na opisina.
Pero giit ni Paraiso, dapat may kapangyarihan ang kinatawan na umaksyon sa mahahalagang usapin.
Nakasalalay pa rin sa pinal na panukalang batas ang mga rekisito para sa lokal na representasyon ng Discord.