Suportado ng National Police Commission ang panukalang itaas sa 57 mula 56 taon ang compulsory retirement age ng mga uniformed personnel.
Sa Senate hearing kahapon, binigyang-diin ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang halaga ng karanasan sa serbisyong pampubliko.
Sinabi ni Calinisan, makatutulong ang mga matagal nang naglilingkod sa paggabay sa mas batang opisyal.
Dapat naman tiyakin ang kanilang kalusugan at pisikal na kakayahan.
Layunin ng panukala na mapanatili ang karanasan habang tinitiyak ang kakayahan ng mga uniformed personnel na gampanan ang kanilang tungkulin.