Higit 24-libong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Rosal, ayon sa Department of Social Welfare and Development.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, umaabot sa 7,048 na pamilya, katumbas ng 24,594 na indibidwal, ang apektado sa 69 na barangay sa Region 2 (Cagayan Valley) at Region 5 (Bicol).
Sa nasabing bilang, 18 pamilya o 53 indibidwal ang nananatili pa sa mga evacuation center.
Habang 699 na pamilya naman, o mahigit 2 libong indibidwal, ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Samantala, mahigit 305 libong na halaga ng humanitarian assistance na ang naipamahagi ng DSWD para sa mga pamilyang apektado ng bagyo.
Kaugnay nito, batay sa pinakahuling tala ng PAGASA, bahagya nang humina ang bagyong Rosal at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.