Bumida ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa international stage matapos nitong pangunahan ang pagtataguyod ng kauna-unahang Green Swan Conference sa Manila.
Ito ang kaunaunahan event na ginanap sa labas ng Basel, Switzerland na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Europa, Asya at Pasipiko, Gitnang Silangan, at Amerika.
Kasama sa pagtitipon sa PICC ang mga lider ng mga central bank, mga dalubhasa sa klima o climate scientists, finance at business leaders.
Tinalakay dito ang lumalalang banta ng climate change at ang mga paraan upang mapangalagaan ang ekonomiya at sistemang pinansyal.
katuwang ng BSP ang Bank for International Settlements (BIS), Banca d’Italia, at Network for Greening the Financial System (NGFS) sa forum na may temang “Navigating climate risks amid uncertainties.”
Layunin nitong iugnay ang mga makabagong pag-aaral sa panganib ng klima sa mga praktikal na pamamaraan para sa disaster management at pagpapatibay ng ekonomiya.
Binigyang diin ni BSP Governor Eli Remolona, Jr. kung paano direktang nakaapekto ang mga krisis sa klima sa pang-araw-araw na ekonomiya: Anya dala ng climate crisis ang problema sa inflation at katatagan ng ekonomiya.