Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mandatory na pag-display ng BIR Registration Seal Badge online.
Sa ilalim ito ng Revenue Memorandum Circular Number 113-2026 na inilabas ngayong araw Oktubre 26, 2026.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, layunin nitong matugunan ang mga concern sa data privacy at mga problemang teknikal, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa National Privacy Commission at mga taxpayer.
Dahil dito, boluntaryo muna ang pag-display ng seal badge sa mga online platform.
Wala ring ipapataw na parusa o multa sa mga hindi magdi-display nito habang suspendido ang mandatoryong patakaran.