Nais na ipa-inhibit ng National Bureau of Investigation ang Davao Prosecutor na may hawak ng reklamong libel at cyberlibel na isinampa ni Representative Paolo Duterte laban kina NBI Director Melvin Matibag, Rodulfo Gracioso Jr.
Ayon kay NBI Director Matibag napag-alaman kasi nila na ang prosekutor na hahawak ng reklamo ay pinsan umano ni Honeylet Avenceña kilalang partner ni dating Pangulong Rodrigo Durerte.
Nais ni Matibag na ang humawak ng reklamo ay National Prosecution Service ng Department of Justice kaya isasampa nila ang motion to inhibit sa Davao City Prosecutor’s Office at sa DOJ.
Matatandaan na noong Biyernes lang isinampa ni Duterte ang reklamo laban kina Matibag ito ay patungkol sa mga alegasyon ni Gracioso na tumanggap umano ng male maletang pera ang pamilya Duterte mula kay Gracioso sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. | ulat ni Louisa Erispe