Photo courtesy of DSWD
Kayang pag-imbakan at magsuplay ng mahigit 150,000 family food packs ang bagong disaster response hub ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mindanao.
Matatagpuan sa Butuan City, Agusan del Norte, ang Mindanao Disaster Resource Center (MDRC) na layong pabilisin ang pagtugon sa mga sakuna sa rehiyon.
Personal na siniyasat kahapon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang operasyon ng pasilidad upang matiyak na handa ang mga relief item sa oras ng pangangailangan.
Bahagi ito ng pagsisikap ng ahensiya na palakasin ang kahandaan sa sakuna at matiyak ang agarang paghahatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.