Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Suportado ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang para sa media and information literacy at mas mahigpit na online protection para sa mga kabataan.
Sa pagdalo ni Education Secretary Sonny Angara sa Philippine Conference on Children and Media 2026 ngayong araw, binigyang-diin niya na dapat isama sa curriculum ang media and information literacy para matutong suriin ng mga mag-aaral ang digital content, lalo na’t lumalaki ang papel ng teknolohiya sa edukasyon.
Magkatuwang din aniya ang responsibilidad ng mga guro, magulang at media partners sa ligtas na paggamit ng teknolohiya.
Muli ring ipinahayag ng kalihim ang suporta sa restrictions sa social media at gaming platforms para sa mga batang 15 hanggang 16 taong gulang pababa.
Ito ay upang maprotektahan sila laban sa mga online groomer at mapanganib na recruitment.
Isinasagawa ang conference mula October 25 hanggang 28 sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City.