Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lalaki dahil sa iligal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa Brgy. Rogus, Cauayan City sa Isabela.
Ayon sa CIDG, walang maipakitang dokumento o permit ang lalaking naaresto gaya ng Certificate of Compliance at Certificate of Authority mula sa Department of Energy (DoE).
Dahil dito, kinumpiska ng mga awtoridad ang isang gasoline pump machine na naglalaman ng 740 litro ng gasolina na tinatayang nagkakahalaga ng ₱715,640.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg.33 at Presidential Decree 1865 o illegal sale, distribution and trade of petroleum products ang naarestong lalaki.
Kasunod nito, nagpaaala naman si CIDG Director, PMGen. Robert Alexander Morico II sa publiko na magpakarga lamang sa mga awtorisadong gasolinahan at huwag magpalinlang sa mga bagsak presyong petrolyo.

