Bahagi ng operasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng ₱50 milyong pabuya para sa mas mabilis na pagdakip kay Senator Ronald dela Rosa.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, dito inilalaan ang confidential at intelligence funds ng DILG at PNP, lalo’t lehitimong operasyon ito at kakikitaan ng resulta.
Kabilang aniya ito sa strategy o pamamaraan ng DILG para gamitin ang kanilang intel funds, at naaayon ito sa batas.
Hindi aniya tulad ng ilang tanggapan ng gobyerno na umano’y ginastos ang milyong pisong confidential funds sa loob lamang ng 11 araw.
Kaugnay naman sa isang linggong palugit ng PNP para sa pagsuko ni dela Rosa, ayon kay Castro, kahit hindi sumuko ang senador sa loob ng itinakdang panahon, magtutuloy-tuloy pa rin ang pagtugis ng PNP sa senador.
“According to general Nartatez Jr, hindi man sumurrender si Senator Bato sa palugit na one week, tuloy tuloy ang operasyon. Sabi nga ni Secxretay Jonvic, no mercy.” —Castro
Habang ipinauubaya na rin nila sa AMLC kung mayroon silang nakikita o hinala na kaduda-duda sa yaman o ari-arian ni dela Rosa.
“Kung meron silang issue, kung may yaman ba, personally wala akong masasabi dyan. but trabaho ito ng AMLC, kung meron silang nakikita na dapat imbestiugahan let’s say kung binabanggit na ang mga duterte daw ay tumatanggap ng pondo mula sa mga drug lords at parte si Senator Bato ng EJK, hindi natin masasabi. So it’s up to AMLC to invetsigate this matter.” —Castro