Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue (BIR)
Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang October 29 ang deadline sa pag-file ng VAT at Percentage Tax Returns at pagbabayad ng kaukulang buwis.
Mula ito sa orihinal na deadline kahapon, October 26, 2026.
Alinsunod ang hakbang na ito sa Revenue Memorandum Circular Number 115-2026 na nilagdaan ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza.
Ginawa ang pagpapalawig dahil sa hindi pagiging available ng Electronic Filing and Payment System (eFPS).
Tiniyak ng BIR na walang ipapataw na penalty sa mga taxpayer na makapag-file at makapagbayad sa loob ng pinalawig na deadline.
