Iginiit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na maagang naghahanda ang gobyerno laban sa posibleng epekto ng El Niño.
Kabilang sa mga hakbang ang pagtiyak sa sapat na suplay ng pagkain, tubig at kuryente, gayundin ang paghahanda ng mga serbisyong pangkalusugan.
Sa ilalim ng programang LAWA at BINHI, nagtatayo ang DSWD ng mga imbakan ng tubig at nagbibigay ng water filtration systems sa mga komunidad na nangangailangan.
Naghahanda rin ang iba pang ahensya sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga pananim na matibay sa tagtuyot at pagpapalakas ng suplay ng tubig at kuryente.
Hinikayat ng kalihim ang publiko na magtipid sa tubig, kahit sa simpleng pagsasara ng gripo habang nagsisipilyo, upang makatulong na mabawasan ang epekto ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer