Pinawi ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno ang pangamba ng publiko na maaapektuhan ang suplay ng tubig at kuryente sa mga karatig na komunidad sa pagtatayo ng Advanced Industries Development Authority (AIDA) sa Clark.
Sa ilalim ng House Bill Number 11758 o AIDA Bill, inaatasan ang mga investor o locator sa ilalim ng Pax Silica Initiative na magkaroon ng sarili nilang suplay ng tubig at kuryente.
Paliwanag ni Puno, bibigyan ng kapangyarihan ang AIDA na magbigay ng prangkisa para sa pagtatayo ng mga pasilidad sa paglikha ng kuryente upang mapabilis ang proseso nang hindi na kailangang dumaan sa Kongreso.
Tiniyak naman ni Camarines Sur Representative Migz Villafuerte na patrimonial land lamang ang gagamitin para sa proyekto sa Clark.
Nilinaw din ni Villafuerte na hangga’t maaari ay hindi gagalawin ang mga ancestral land, at kung sakaling kailanganin ang mga ito, dadaan muna sa negosasyon.