Natulungan sina rapper Pio Balbuena at Senador Bam Aquino para makapag-donate ng 21 laptop sa mga estudyante ng P. Burgos Elementary School sa Maynila, gamit ang nalikom mula sa bidding ng 1-of-1 Tambay Cap.
Nanalo sa bidding si Miguel “Migs” Valerio ng MV Shoes and Apparel sa kanyang P410,000 na bid para sa natatanging Tambay Cap.
Ayon kay Migs, noong una ay P50,000 lamang ang plano niyang i-bid para sa Tambay Cap, ngunit nagpasya siyang lakihan ang kanyang bid nang malaman na ang pera ay gagamitin para matulungan ang mga estudyanteng nangangailangan.
Pinasalamatan ni Senador Bam si Migs dahil maraming estudyante ang matutulungan ng halagang ibinayad niya para sa Tambay Cap.
Agad namang nagtungo sina Pio at Migs sa Easy PC para bumili ng 11 laptop para sa mga estudyante ng P. Burgos Elementary School sa Maynila sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno Domagoso.
Bilang suporta sa programa nina Aquino at Pio, nangako ang pamunuan ng Easy PC na magdadagdag ng 10 laptop sa binili ng dalawa, kaya umabot sa 21 ang kabuuang bilang ng mga laptop na ipinamahagi paaralan at nag-akyat sa halaga ng pina-auction na Tambay Cap sa P610,000. | ulat ni DK Zarate