Tiniyak ni incoming Secretary Giovanni “Banoy” Lopez ang pagpapatuloy ng mga reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ginagawa ang pahayag sa ginanap na joint press conference kasama ang Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes.
Kabilang sa ipagpapatuloy ni secretary Lopez ang pabilisin ang pagtatapos ng mga proyektong taon nang nakabinbin at patuloy na labanan ang katiwalian sa ahensya base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Papalitan ni Secretary Lopez si dating Public Works Secretary Vince Dizon, na magbabalik bilang Kalihim ng DOTr. | ulat ni DK Zarate