Nakapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si BSP Governor Eli Remolona Jr. at ang economic managers ng gobyerno, kung saan tinalakay ang October monetary policy decision ng BSP at pagpapatatag sa koordinasyon sa pagtugon sa inflation at iba pang economic challenges na kinahaharap ng Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang administrasyon, tuloy sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapababa ang epekto ng El Niño at mapabilis ang paggastos para sa infrastructure at social protection.
“Strengthening coordination among government offices, including the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), remains vital to protecting Filipino families’ purchasing power, managing inflation, and sustaining economic growth.” -PCO.
Nakatutok din ang gobyerno sa pagpapabilis ng priority expenditures at pagtugon sa mga inituturing na bottlenecks, upang masiguro ang napapahong delivery ng mga proyekto at programa ng pamahalaan.
Ang mga hakbang na ito, ayon sa pamahalaan, layong pagaanin ang pasanin ng pamilyang Pilipino, suportahan ang mga komunidad na apektado ng matinding tag-tuyot, at mapabilis ang mga programa na lilikha ng mas maraming trabaho, hihikayat sa pamumuhunan, at magpapatuloy sa economic growth ng bansa.
“Amid global oil price pressures and the effects of El Niño on food, water, and power supplies, the government continues to pursue measures to safeguard household welfare and strengthen economic resilience.” -PCO.