World Bank at DA, naglaan ng ₱98-M para sa mga magsasaka sa Bukidnon
Nasa P97.91 million ang pondong ilalaan sa mga katutubong magsasaka sa Daraghuyan, Bukidnon.
Popondohan ito ng World Bank at Department of Agriculture sa ilalim ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP).
Kabilang sa mga proyekto ang kalsada, pasilidad sa kape, bodega, malinis na tubig at irigasyon.
Layunin nitong mapadali ang pagdadala at pagproseso ng ani.
Inaasahang mapapataas ng mga proyekto ang kita ng mga katutubong magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer