Hinamon ni House Prosecutor Terry Ridon si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag kung bakit pumalo sa higit ₱100 milyong halaga ng mga bank deposit, investment, at insurance holdings ang hindi umano sumipot sa kanyang 2023 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Ayon kay Ridon, nananatiling walang malinaw na sagot ang mga hindi pagkakatugmang ito habang naghahanda na ang panig ng depensa na iharap ang kanilang mga ebidensya.
Batay sa mga rekord na inilabas ng prosecution, umabot sa ₱71.38 milyon ang pondo sa mga bank account na inuugnay kay VP Sara at sa kanyang asawang si Atty. Mans Carpio noong 2023.
Bukod pa rito ang ₱35.9 milyong insurance at investment.
Sa kabuuan, pumapatak ito sa humigit-kumulang ₱107.28 milyon bagamat nilinaw na kailangan pa ring suriin ang aktwal na pagmamay-ari at mga posibleng overlap bago ito pormal na ituring na undeclared wealth.
Aniya, maging ang isyu ukol sa posibleng prenuptial agreement na hindi sapat para balewalain ang mga opisyal na pinansyal na rekord na nakahain na sa korte.