Muling pinatibay ng Subic EnerZone Corp. ng AboitizPower at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na iextend pa ng 25 years ang ang energy supply sa Subic Bay Freeport Zone.
Mula pa noong October 2003 ay pinamamahalaan na ng Subic EnerZone ang sistema ng kuryente sa nasabing Freeport.
Mula noong February 28, 2026, nakapaglingkod na ito sa mahigit 3,750 customer, kabilang ang mga industriyal at komersyal na negosyo, mga kabahayan, at mga ilaw sa kalsada.
Ayonsa SBMA.. dahil ang Subic ay lugar ng mga oportunidad para sa mga negosyo at industriya.. kailangan ng stable kuryente na susi sa pag unlad.
Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Engr. Eduardo Jose Aliño.. importante ang maasahang kuryente sa Subic bilang Global Gateway ng Luzon Economic Corridor. | ulat ni Melany Reyes