Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang Lakan Dula High School sa Tondo, Maynila, dahil sa kanilang mahusay na mga hakbang para sa kaligtasan sa loob ng campus at pagbibigay ng psychological support sa mga mag-aaral.
Binigyang-diin ni Angara ang “model” school’s partnership ng paaralan dahil sa magandang pakikipagtulungan nito sa mga magulang, alumni, lokal na pamahalaan, at mga pribadong grupo.
Sa pamamagitan ng programang LDHS Cares, nagtagumpay silang makapaglagay ng mga metal detector, CCTV camera, at isang online reporting system na madaling ma-access gamit ang QR code.
Ayon sa kalihim, ang mga inisiyatibong ito ay maaaring gawing modelo at tularan ng iba pang mga pampublikong paaralan sa bansa.
Isa rin itong magandang halimbawa na totoong may ibinubunga ang whole-of-community approach pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga paaralan.