Naglabas ng abiso ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng airline na tiyaking hindi mawawalang bahala ang karapatan ng mga pasaherong maaapektuhan ang flight dahil sa napipintong 49th ASEAN Summit sa November 16 to18.
Ito ay kasunod ng inaasahang daan-daang flights na posibleng maapektuhan dahil sa pagdating ng ilang nga delegado sa bansa bago at sa mismong araw ng ASEAN Summit
Paalala ng CAB, kung may flight man na apektado dapat agad ipagbigay alam ng airline sa mga pasahero dapat din kung may adjustment man ay talagang kinakailangan ito at hindi maiiwasan.
Dapat din magbigay ng opsyon ang mga airline ng rebooking or refund na batay sa Air Passenger Bill of Rights at dapat may mga tauhan sa paliparan na mag-aasiste sa mga apektadong pasahero.
Payo naman sa mga pasahero makipag-ugnayan sa airline at manatiling nakatutok kung may adjustment sa flights.
Kung maaari rin mas maagang pumunta sa mga paliparan upang maiwasan ang aberya dahil sa mga posibleng traffic at pagsasara ng mga kalsada.
