Photo courtesy of DOF
Nagpulong sina Finance Secretary at Fiscal Incentives Review Board Chair Frederick Go, ang US healthcare operator na Bon Secours Mercy Health o BSMH, at ang AC Health ng Ayala Corporation.
Ito ay upang talakayin ang kanilang plano para sa pagtatatag ng isang flagship hospital campus sa Pasig City.
Ayon kay Go, ito ay alinsunod sa hangarin ng administrasyong Marcos Jr. para suportahan ang pagpapalakas ng healthcare services at edukasyon sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim, malaking tulong ito upang maipagkaloob ang world-class na serbisyong medikal sa mga Pilipino.
Bukod dito, layunin din ng proyekto na iposisyon ang Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing destinasyon para sa international medical tourism.
Kapag naisakatuparan na ang investment, inaasahang magbubunga ito ng tinatayang 3,000 trabaho at mas pinalawak na access sa specialized medical services.
Sinabi ni Go na isa ito sa bunga ng naging working visit ni PBBM sa Washington noong nakaraang taon.