Muling ipatutupad ang one-way traffic scheme sa eastbound ng A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway sa Marikina City para sa UNDAS 2026.
Batay sa abiso ng Marikina City LGU, ipatutupad ang one-way traffic scheme mula alas-6:00 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang alas-12:01 ng madaling-araw ng Nobyembre 2.
Ginawa ng Marikina LGU ang hakbang upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdalaw sa mga sementeryo.
Pinapayuhan naman ang mga motoristang pupunta sa Loyola Memorial Park at Marikina City Proper na sundin ang mga itinalagang ruta at traffic signs.
Hinihikayat din ang lahat na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe at makipagtulungan sa mga traffic enforcer upang mapanatili ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko ngayong Undas.
Samantala, bukas na ng 24 oras ang Loyola Memorial Park sa Marikina City mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 para sa paggunita ng Undas 2026.