Magsisilbing host ang Makati sa gagawing 2nd Regional Forum on Human Rights Cities in ASEAN sa darating na November 3 at 4.
Pag-uusapan sa dalawang araw na hybrid conference kung paano maisasakatuparan ang high-level human rights commitments sa mga lokal na komunidad.
Tinatayang 54 delegado ang dadalo nang personal sa aktibidad, kabilang ang 35 dayuhang kalahok, gayundin ang virtual attendees mula sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia at Europe.
Target sa forum na makagawa ng mga rekomendasyon sa ASEAN para maprotektahan ang karapatang pantao at maipakita ang 4th Philippine Human Rights Plan, kasama ang iba pang programa na pinondohan ng European Union, kabilang ang EU-GOJUST program.
Nakatakdang dumating ang mga bisita sa Makati sa November 2.