Hindi na lamang ang magagandang isla ng Pilipinas ang pinananabikang mapuntahan ng mga dayuhan, bagkus, nais na rin ng mga itong maranasan ang Filipino culinary.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tulong ng MICHELIN Guide, patuloy na lumalago ang international recognition sa mga pagkaing Pinoy.
Maging ang mayamang culinary traditions ng bansa, tumitibay na rin ang posisyon sa global stage.
“For a hundred years, the MICHELIN Guide has taken the world on a journey of great food. The Philippines joined that journey only last year, but Filipino cuisine is already finding its place at the table,” ipinagmalaki ng Pangulong Marcos.
Aniya, ang adobo, kinilaw, at sisig, na kilala bilang Filipino identity, nakikipagsabayan na rin sa ibang bansa.
Sinabi pa ng Pangulo, ang lumalawak na global interest sa Filipino food, ay lumilikha lamang ng mas maraming oportunidad para sa mga magsasaka, mangingisda, food producers, at micro, small, and medium enterprises sa bansa.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang Pangulo sa mga Filipino restaurants at chefs na tumutulong sa pag-promote ng local agri-products sa pamamagitan ng pagtatampok ng indigenous rice varieties mula sa Cordilleras.
“Now, our cuisine can become another reason for travelers to visit, explore our regions, and to stay longer,” pahayag ng Pangulong Marcos.