Tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi liliit o magbabawas ng timbang sa mga produkto o nagkakaroon ng shrinkflation sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ay sa gitna ng pangangamba ng ilang konsumer na baka magkaroon ng pagbabago ang ilang produkto dahil pumayag ang mga manufacturers na hindi magtaas ng presyo hanggang December 31, 2026.
Ayon kay DTI Secretary Maria Cristina Roque mananatiling ang timbang at dami ng mga laman ng mga produkto
Giit ni Roque alam ng maga manifacturers na kasama ito sa operasyon at paraan na rin ito ng manufacturers na tumulong at magasidte sa gitna ng pagbilis ng inflation.
Patuloy namang nakatutok ngayon ang DTI sa mga presyo ng bilihin sa merkado. Naglabas na rin ang ahensya ng suggested retail price para mga delata, gatas, kape, tinapay, noodles, asin, bottled water, sabon at kandila. Sa ngayon wala pa naman umanong nahuhuli ang DTI na di sumusunod sa SRP. | ulat ni Louisa Erispe